ang post na ito ay para sa mga magtatype ng UP MBA Comprehensive Examination sa search engine.
Ang UP MBA Comprehensive examination ay isang pangkalahatang pagsusuri na kinukuha bago ang isang kandidato sa pagiging Master ay grumadweyt. Ang isa pang kailangang makamit bago mapabilang sa listahan ng mga magsisipagtapos ay ang GWA na 2.0.
Bago ko ikwento ang aking paglalakbay para sa labang ito, heto muna ang mga kailangang tandaan. Inuna ko ito dahil naniniwala ako na para ka makarating sa iyong paroroonan ay alam mo muna kung saan ito.
Hindi ko alam kung pwede kong idisclose ang mechanics kaya magpiplay safe ako. Irerelease naman ang mechanics pagtuntong nyo ng third year third sem dahil hindi kayo tatantanan ng mga reminders na mag-aral, mag-aral at mag-aral para lalo kayong mapressure na mag-aral ulit. Na hindi nyo naman iintindihin dahil may higit isang buwan pa kayo para magbasa pero mauubos at mauubos ang araw hanggang ilang tambling na lang at magsisisi kayong sana inumpisahan nyo nang magbasa noon pa lang.
Makakatanggap kayo ng biyaya galing sa shared drive at mga groups sa social media sa pamamagitan ng zipped files. May lakip itong lumang compre exams at reviewers. Pag-isipang mabuti ang strategy para sa mga ito. Kung hindi maintindihan ang reviewers, malamang ay dahil hindi ikaw ang gumawa nito at may sariling estilo ang may-ari. Huwag pag-ubusan ng oras, magmove-on kaagad.

Mabalik tayo sa paroroonan ninyo. Pagkatanggap ng mechanics, gawin itong guide para planuhin ang pagbabalik-aral na gagawin. Dahil lima ang subject - Strama, Finance, Control, Marketing at Operations Management, i-assess ang sarili kung anong subject ang pinakaconfident kayo (mag-uumpisa na ako sa mga tips kung paano ako nag-aral kaya magsishift na ako sa first person). Sa akin dahil Finance person ako, nag-brush up ako sa Finance at Control kasunod ang Ops Man then Strama at hinuli ko ang Marketing. Yun ang inuna ko para ibuild-up ang confidence level ko. Unti-unti lang para hindi mabigla. Ito ang isa sa pinakacrucial na part dahil dito ako bumuo ng mindset na "I can, I will'.
Ang sunod na gawin ay maghanap ng study group. Optimal na bilang ay apat. Kung higit pa ay pagsasayang ng oras sa kwentuhan, matagal na usapan kung saan/ano ang kakainin at iba pang distraksyon ang gagawin. Mas nakakapressure kapag may dalawang magdidiskusyon na hindi mo pa nababasa. Kapag apat lang kayo o tatlo, mas madaling magkasundo sa schedule, ano ang irereview at magbigayan ng toka. Malaking tulong din ito para sa sanity mo. Ibalik din ng buo ang suporta, wag madamot.
Bago nyo ako masabihang walang kwenta, heto na, isa-isahin natin:
Finance - may mga usong topic per year. Gamitin ang mga lumang compre exams at paulit-ulit na sagutan. Makakakita ng direksyon. Sundan ang liwanag. Magpraktis ng magpraktis ng financial analysis, pro-forma statement, cash flow at variances. Malakas ang loob kong huwag magreview ng bongga sa FCFF/FCFE, sapat na alam ang concept at basics neto. Timbangin ang pros and cons kung susundan ako at pag-isipang mabuti kung alin ang dapat iignore at aralin base sa trend. Aralin din ang basics ng CAPM, cost of equity at debt, vaultfiles na concepts para sa multiple choice at magbaon ng maraming common sense. Kapag sobra sa oras, aralin na lahat.
Alam ng examiner na marami na kayong natutunan, gusto nya ngayong makita ang composure ninyo at kung gaano kalalim ang intindi sa mga konsepto. Ang mga madugong rules sa 280.2 ay pwedeng pahapyawan at wag hayaang sirain ang diskarte ninyo. Manalig sa liwanag.
Control - nagamit ko dito ang trending analysis ko ng mga nagdaang compre. Ilang taong MCS sya kung kaya tinutukan ko ang performance measurement, EVA, ROA at RI. Dahil Finance person ako, madali kaming nagkaintindihan ni Transfer Pricing, Budgeting, at Variance analysis ni Management Accounting. Mabuti na lamang na nagbrush up ako sa MA dahil nabago ang trend this year. Malaking tipak ng pagsusulit ang sumentro sa MA. Moral lesson - kapag magfocus sa mga nabanggit na topic, magkakaroon ng control sa sitwasyon. Maging mapanuri sa trend.
Magbrush up din sa terms and definitions. Maaaring suwerte sa inyo ang petsa ng pagsusulit at mamigay sila ng 30 items na matching type. Alamin kung ano ang prime cost, conversion cost, product cost, mga center na hindi call center, iba pang klase ng cost etc. Hanapin ang hand out na binigay ni Gavin.

Ipupush ko na tong mala Zenaida Zeva mode ko.
Operations Management - Magfocus sa TQM.
Imemorize ang "PProQuLoLa HuS Invty? SM."
Yan ang 10 OM Dimensions:
- Product
- Process
- Quality
- Location
- Layout
- Human Resource
- Scheduling
- Inventory
- Scheduling
- Maintenance
Sa mahabang panahon, ang Ops Man exam ay case analysis at kapag gagawin mong framework ang mga dimensions na ito ay malayo ang mararating mo. Huwag ipilit ang mga dimensyon na hindi applicable. Pwedeng hindi aralin ang BEP at iba pang formula. Manalig sa liwanag.
Strategic Management - Maaaring magkaiba tayo ng diskarte sa subject na ito ng dahil sa ilang mga factors. Kung noong 291.1 ay binasa mo lahat ng handouts at mayroon kang notes, mainam. Ngunit kung pareho tayo, iminumungkahi kong diskartehan mo kung alin sa napakadaming handouts ang babasahin mo. Timbanging mabuti kung alin ang pinakamahahalagang article. Huwag lalampasan ang kay Porter, Schein, Christensen at ng ating mga gurong si E, R & G.
Hangga't maaari, iwanan ang article na may isang sentence na summary lamang. Hindi makakatulong kung napakahaba pa din ng summary. Hindi na iyon matatawag na summary. Magkaroon ng notebook na summary lang ang laman at pwedeng buklatin sa sasakyan, sa CR, sa workstation, habang kumakain.
Huwag din subukang basahin sa iisang upuan. Hindi makakatulong sa brain cells mo.
Sa oras ng pagsusulit, hindi masamang huwag gamitin ang mga salitang eksaktong nabasa. Wag masyadong bookish. Maaring may sagot kang maiisip na wala sa handouts - isagot mo. Nasa pagrarason kung tatanggapin ng examiner ang sense ng sinulat mo. Huwag hayaang blanko hangga't maaari. Helloowww wag masyadong iunderestimate ang sarili para hindi makaisip ng kahit isang key point to build on sa kung ano mang topic yan. Konting push na lang, pangatawanan at career-in mo na.
Marketing. Aralin ang mga cases sa BA 230 at buuin sa isip kung paano sagutin ng maiksi ang mga ito. Magfocus sa 4Ps. Matutong gumawa ng isang sentence na problema, 1 sentence na overall strategy at sumahin sa isang paragraph ang kada 4Ps. Palaging case ang exam dito sa napakahabang panahon, ihanda ang kamay para sa kalyo. Iminumungkahi kong gumamit ng sign pen. Hindi sa madali ang subject ngunit lagi mong nagagamit ang mga konsepto sa napakadaming case na nagawa mo na sa tatlong taon kung kayat hindi masamang gamitin sa ibang subject ang inerhiyang ilalaan para sa puspusang pag-aaral sana dito. Tandaan, nakakainam ang dumaan sa shortcut kung alam mo namang sa dulo nun ay igigiya ka sa patutunguhan subalit huwag din namang masyadong shumortcut ng sagot at baka igiya ka sa second chances.
Pangkalahatang tips:
Maging sensitibo para sa mga hindi napabilang at ihiling sa mga buwan at bituin na sa pangalawa nilang pagsubok ay malampasan ito at sabay sabay kayong sasablay. Harinawa.

- sa araw ng pagsusulit kapag maagang nasa exam room, huwag makinig sa nirereview ng iba. Kapag wala sa nireview mo, ignore. Malamang sa malamang hindi mo rin matatandaan at mararattle ka lang. Panatilihin ang composure.
- pagkatanggap ng test paper, wag sasagot agad. buklatin at i-scan ang mga tanong. Magmental note kung alin ang alam, medyo alam, at hindi talaga alam. ilista ang points to discuss na maiisip habang iniscan para may mababalikan kapag nagkalimutan. Unahin ang alam. May mga pagkakataong mauuna ang isang tanong na kabilang sa hindi mo alam kung kayat makakatulong sa sanity at composure ang pag-scan muna.
- Huwag matakot an gamitin ang mga concepts ng Control sa Strama, ng Strama sa Ops at ng Finance sa Control.
Pagkatapos ng pagsusulit, sa loob ng dalawang linggo magiging kapanapanabik ang lahat ng post ni Ate ida sa FB dahil isa sa mga dun ang makakapagpabalisa sa iyo ng buong araw o linggo bago mo makita ang exam code mo kagaya nito:
Lucky color: Comprehensive Maroon
Lucky number: >60%
Lucky flower: UP Sunflower
Lucky number: >60%
Lucky flower: UP Sunflower