
In this wee hour of the morning i am awake, busily busting those eggs the dyno is endlessly throwing. i have done the hard stomped applying every strategy of organizing those colors to make them explode. sandali, nahihirapan ako magenglish.
pinili ko kasi agad ung hard.walang thrill pag madali lang. ayon, nd ko matapos tapos. dyno always outwits me find every odd colored balls to make me lose.
aun, lumipat ako sa endless puzzle mode. ang siste, nandun si asar na wriley na lagi ding me dalang ibang kulay ng bola na isasalaksak ko sa kung saan at bubuo ng tatlong magkakalapit na kulay para sumabog sila. in the end it will always crush me because it is endless.
i knew beforehand that i'll lose. coz it's designed to defeat me. pero sige pa din ako. alam ko kasi kahit gano karaming kulay ng bola ang ibato nya sa akin magagawan ko ng paraan para ayusin. patibayan lang ng loob na alam mong nandyan na pero susuungin mo pa rin. gusto mong manalo pero hindi palaging ayon sa standard ng laro.
minsan sa sarili mo, alam mong hindi ka naglalaro para talunin si dyno kundi para maipanalo mo ang parte ng sarili mong gustong may mapatunayan.
sa dulo naapakan ka man ng malaking paa ni dyno tatanungin ka pa rin -
do you want to return to the game?