Saturday, June 8, 2013

8-7=2


It's true - mataas ang standard ko sa pakikipagkaibigan. Hindi yung tipong kung sino'ng dumating, pwede na. Hindi rin pwede yung aanga-anga. Iba yun sa slow kasi walang lunas yung una. Ayoko rin ng plastik - yung tatawa sa joke ko kasi kaibigan ko sya. Kung kaibigan kita, nasabihan mo na ako ng waley sabay ng walang hanggang pang-aasar sa 'bog' moment ko. As in walang hanggan  hangga't hindi nila nakakalimutan.  Ang gusto ko yung hindi pikon – yung naniniwalang napakaiksi ng buhay para sayangin sa walang kapararakang bagay. Ang gusto kong kaibigan yung makikinig sa yo kahit pati ikaw hindi mo mahanap ang point pati na sa mga pagkakataong gusto mong ipakita sa kanya kung nasaan ang point o kung wala na kayong mapag-usapan dahil wala nang point.

Yung tumatahimik pag wala ka sa mood at napapatahimik ka pag wala sya sa  mood. Yung makikipagmatigasan sa yo sa kung ano’ng paniwala nya pero hindi ka pipiliting umayon sa kanya. Yung hindi nahihiyang ipagmalaki sayo ang mga kalakasan nya at ibida sa yo ang mga kashungahan nya sa buhay. Yung tipong parang naipause lang na video ang kwentuhan pagkakita nyo matapos ang ilang araw, buwan o taon ang dumaan.


Bakit ganun ang pamantayan ko? Iba kasi ang depinisyon ko sa pakikipagkaibigan. Hindi yung tipong pag umalis, tangay na. Kung kaibigan kita, maniwala ka hanggang ngayon kahit ano man ang nangyari sa dumaang panahon, nararamdaman mo pa rin ako. Kung kaibigan kita, nababasa mo ito ngayon. 

No comments:

Post a Comment