Balita ko pinipili mo na
lang daw ang tinitext mo a, sabi ng kuya ko nang minsang mahuli nya ako sa
facebook. Sabi ko wala akong oras at kung naiintindihan yun ng ibang tao, hindi
nila sasabihing namimili ako. Pero pagkatapos naming magchat sabi ko kailangan
ko na talagang isulat ang mga bagay na nasa utak ko.
Hindi ang kawalan ng oras
ang dahilan. Hindi ang walang muwang na oras ang dapat laging sisihin sa mga
kakulangan. Dahil marami tayo nyan at hindi lang natin napapahalagahan.
Araw
araw pag papasok ako ng opisina, isang oras ang nagugugol ko sa byahe. Sa isang
oras na ito nakakapagmumuni muni ako sa mga bagay na hindi na nagkakaroon ng
puwang sa masyadong busy kong schedule - yun ang nais kong ikatwiran. Nandyan
ang pagtanong ko sa kabuluhan ng buhay na pinili ko at sa mga ideyang hindi
nakatalon mula sa pangarap patungo sa reyalidad.
No comments:
Post a Comment