Friday, September 25, 2009

kapeng walang caffeine

kaninang mga bandang 10 nagising ako. unang tanong ko sa sarili ko, kakain ba o hindi na? pagkatapos nun nagaway na naman kami ng konsensya ko. sabi nya wag na daw ako umalis ng bahay. antayin ko nlang daw ulit tawagin ako ng antok. sabi ko naman kelangan ko na magpalit ng contacts kaya dapat pumunta ako ng cubao. at syempre kalimitang nangyayari nasusupalpal ang konsensya. tuloy ako sa cubao.

pasok ako sa ideal. maetching ung girlet na umentertain sa akin. halos sigawan ako sa pag-aakalang hindi ko naiintindihan ang tagalog nya. ang gusto nya tanggalin ang contacts at magpahinga ng 30 mins bago nya kunin ung grado ng mata ko. ang gusto ko itest nya na agad kasi hindi lang ako sure kung tama bang -3.5 at -3.25 ung grado ko. hindi daw. kelangang me manggaling sa machine. ok fine. bagong gising ako. kaya kong kumain ng matabang babaeng naninigaw. sige sabi ko mag-antay ng 30 mins.

naalala ko kulang nga pala ung dala kong pera. magwiwithdraw. babaita balik ako after 30 mins tawag ko sa girlet. k. lakad pakaliwa - squint - diretso kanan - squint... ang hirap pala ng buhay pag malabo ang paningin. sabi nga ni samjuan parang usok lang sa bagong saboy na nagbabagang uling. awa ng diyos nakabalik naman ako ng maayos and in less than 10 mins luminaw muli ang aking malabong mundo.

dumaan ako sa booksale at naghanap ng mga pwedeng pampaantok na libro. naku naman kung bakit lahat ng murang libro kung hindi naninilaw sa kalumaan e mga mystery at murder cases. aantukin ba naman ako pagkatapos ko basahin mga un? ni wala kahit isang naligaw na romance novel. ang nabili ko ung diaries of anne frank ( ok naninilaw ng konti) at how to sleep still at night (the hilarious side of parenting - ewan kung soon e gusto ko na ding maging parent, hehe). at isang back issue ng cosmo dahil sa caption na "things in your closet that make you look chunky". hmmn, baka maubos na laman ng closet ko pagkatapos.

kakatawa nga kasi pagbalik ko sa bahay akala ko naman sobrang artistahin ako at mag tetext message memory almost full ang inbox ko. oh em gee ni isang missed call o text ng smart man lang wala! hindi ko na inexpect na itetext ako ni carlo today kasi hinoldap sya ng prc earlier this week. anyhow bandang papapikit na ako tumayming naman syang nakitext sa kakosa nya at nangangamusta.

ganyan lumipas ang friday ko at ngayon inaantok na naman ako, salamat sa kapeng walang caffeine.

No comments:

Post a Comment