6:40 pm - nagtext si jerum.. ang aking kababayan at kaibigan at katunggali sa mga paligsahan noong aming kabataan. sabi nya me petsa na ang kanyang pakikipagsapalaran sa saudi.
7:05 pm - nasa NBS ako.. naghahanap ng pwedeng ibigay na goodluck gift sa kanya. at naalala ko nung tinulungan nya kaming naglipat nabanggit nya na naaaddict sya sa sudoku. so i got one, then grabbed a bookmark that read "ay nakalimutan ko" basta go follow your dreams to that effect. sinulatan ko naman ung libro at nagdedicate:
Jerum,
I hope the book is enough to last you the next two years but i know that a day is enough for you to solve it.
malulungkot ka dun but we're just a text away to ease some of it.
magbaon ka na ng maraming powdered milk ni tita maria at samahan mo na din ng powdered sanmig para hindi mahuli ng mga arabo.
buh bye... ingatz
Rhoda
natawa naman ako sa binigay ko pero sabi nga nila.. it's the thought that counts. natuwa naman sya at sabi nya.. oi thanks.. magpicture tau... sabay labas ng kanyang sony cybershot 12.1, binaliktad ito at awtomatik namang nagpose ang bruhang katoto nyo. nakadalawang shot din kami kasi yung una e putol sya. masyadong matangkad ang bruho.
mayroong mga pagkakataong napapatunayan ko sa sarili ko na kaya ko naman palang maging kaibigan. supportive at that. tcwang! anyways i hope he does find his luck in there at natatawa naman ako sa sinabi nya:
siguro pagbalik ko me asawa ka na.
sabi ko naman, " hehehe, kunin nlang kitang ninong ng magiging anak ko."
-----
si Jerum, kalaban ko sya lagi noong elementary. hindi ko sya schoolmate. sa ibang school sya at mapacontest sa dama, science, epp.. kami ang naghaharap. astig astigan ang drama ko noon at natutuwa ata sya sa asta ko. hanggang dun lang ang eksena namin.
lumipas ang maraming taon, malalaki na kami. sya lang ang tumangkad. ako, nanatiling bansot. naging magkaibigan at magkakulitan sa text.
nito nito lang nung inaway ko sya dahil mafeeling sya. akala nya tayp ko sya pero hindi naman. bwahaah... pero nagkabati din kami dahil kelangan ko ng brusko at dekalidad na amigo para ipareha sa mga amiga kong malapit nang kalawangin. hehe.
so bakit naman ganyan ang spelling ng name mo, parang bisaya... katigas. sabi naman nya:
ganto kasi yan. si daddy ko ang pangalan nya - jose. si mama ko - maria. e kesa naman daw jesus ( hay frend buti nlang!) Jerum nlang daw - short for Jerusalem. hmmn, oo nga naman.
so that's all for now - work becomes a little more challenging starting mamaya kasi mapapalitan na ang hinahawakan kong geos. sana walang masyadong magiging issue.
bye for now - ciao amigo..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment