Thursday, November 12, 2009

friday the 13th

sunod sa nov 12 3 nov 13. so what? di ba. pero big deal daw today kasi nataon sa friday. e malas daw ang friday the 13th. kaya siguro hindi itinapat dito ang aming sweldo. at bonus. na hindi ko mahahawakan dahil ipapamahagi ko sa mga mas nangangailangan. hindi ko na sasabihin kung para kanino para anonymous donor ang dating ko. hindi ipinagkakalat ang kagandahang loob, kahit sa christmas lang.

noong wednesday pumunta ako sa dermatologist ko para macheck nya kung umepekto ba ang tinitira kong gamot at pag-aapply neto sa mukha kong pinutakti daw ng isang planeta ng mga letseng bacteria.

nung unang punta ko, ako ang pinakahuling pasyente. naghintay ako ng dalawang oras. kaya sabi ko, ngayon, pagpatak ng alas tres nanduon na ako para sakto sa schedule nyang 3-6. 4:30 dumating ang bruha. sumahin mo at panalo naman ako ng trenta minutos at narealize ko na parang mas madaling maghintay kapag alam mong nauna ka sa pila. at umusad na nga ang pila. "Mark?" sabi ng doktora.

parang yes ok lang kasi mas matagal ang bubunuin ng mga nakasunod sa yo. wala akong magandang aura nung ako ang huling pasyente. akala ko nga pauuwiin na lang ako nun kasi lampas alas sais na nya ako naconsult.

ngayon unti unti nang bumabalik sa normal ang mukha kong pinagkutahan ng mga mikrobyong natakot sa maduming hangin ng maynila.

saktong pangnovember1 at friday the 13th.

No comments:

Post a Comment