kanina pinaobserve sa akin ung bagong hire namin. dito sa work hindi naman ako as in masyadong masalita pero pag required namang magsalita (i mean kung kelangan nang magsalita, magsasalita naman ako, hehe) so ayun, ineexplain ko naman kung pano ko ginagawa ung process ko. ewan kung naiintindihan nya. tumatango naman sya. so pinaghands-on ko nlang sya habang ineexplain ko kasi mas madaling maintindihan ung ginagawa mo at ineexplain sa u kesa ineexplain tsaka mo gagawain. ang tendency kasi nung huli, pagkaperiod nung nagexplain sau, nagaautomatic ung utak na idiscard lahat ng info. in my case kasi ganun ako. activated ang auto delete. ayun ok naman, bonding namin with the team.
so after ng session namin, sumama ako sa kanya sa orientation ng health care provider namin. nahuli ako ng dating so wala akong kopya nung parang outline nung seminar. tanong sakin ni bill (xa ung new hire)
"gusto mo ng copy?
ah, bibili ka? sabi ko. "hindi na, nagkape na ako."
"i mean, gusto mo ng copy nung outline?" sabi nya.
"aah, hindi na, ok lang."
oh em gee, iba ang dinig ko. akala ko kape. copy pala. kaarte naman kasi ng pagkakasabi. copy. kape. copy. haha, pero nakakatuwa talaga.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment