sabi ko last week magbablog ako ng tungkol sa amin ni carlo at ng tungkol sa baha sa amin. pero wala pa ako sa kondisyon para sa mga yun. hindi pa ako masyadong masaya para magkwento sa amin ni carlo at masyado pa akong malungkot para magkwento tungkol sa baha.
lunes na naman. pagdating ko sa opisina binuksan ko agad ang lagayan ko ng mga anik-anik - naglabas ng bolpen, stapler, paper clip, binder clip, post-its, at salamin. nagbukas ng computer, nag-adjust ng upuan, naglabas ng earphone, kumuha ng report. hindi naman nakakasawa dahil pwede namang pagbabalibaligtarin ang sequence. pwedeng unahing magboot ng computer, o kaya maglabas ng salamin... para hindi routinary. ganun lang talaga minsan may mga bagay na paulit ulit mong gagawin sa buhay mo pero nasa sayo na yon kung pano mo makukumbinsi ang sarili mo na sa bawat araw ay natutuwa kang gawin ito.
kahapon nagsimba lang kami ng roommate ko at dumating ang mga friends namin. hindi na kami gumala kundi tumambay nlang kami sa bahay at nanood ng asap. wala lang, ansaya din kasi nakakasama ko yung mga kaibigang naging katropa sa paglalatag ng worksheet na animo carpet at pangongopya ng assignment sa corridor,sa pag-iyak pagkakuha ng mga grades, sa paghalakhak kapag nakachamba sa sagot... sila ang mga kasama kong makarinig lang ng MINI, MINAS,Casti, 65 nawiwindang na.
habang nanonood at kumakain ng pic-a (eto yung pinaghalong nova, piattos at tostillos), tempura, at ding-dong barkada pack, sumasabay sa buka ng bibig ang sandamukal na panlalait sa damit ni chynna ortaleza, sa pagbukaka habang bumibirit ni rachel ann go, sa pagtili sa kagwapuhan ni akihiro sato at john lloyd. sumisingit duon ang walang humpay na chismisan tungkol sa mga kaklase nuong kolehiyo: mga kaklaseng nawala na, nag-asawa na, mga hindi na maalalang pilit inaalala.
maya maya pa at nagawi na ang kwentuhan sa pag-aasawa: mga future eksena daw 30 years from now. siguro nagtatanungan na kami kung ilan na ang anak namin o kung minalas malas at mga hindi nakapag-asawa ay magpapayabangan na lang sa laman ng libreta at mga dumugtong sa hulihan ng pangalan maliban sa tatlong letrang c p at a. at nagkaisa naman kami na sana nawa'y wag maging katotohanan ang pangalawang eksena.
nalipat na naman ang usapan sa size at cup ng bra. wala man lang lumagpas sa 34A kaya hindi ko na lang ikukwento. sumunod na napansin ang mga size ng paa - merong size 4,6,7, at ang pinaka, size 9!
eto yung mga pagkakataong siyang nagbibigay katuturan sa mga palagian nating ginagawa. minsan sa isang linggo aasam asamin nating makatulog maghapon, manood ng dvd maghapon, magsimba kapag linggo, magmalling, o makibonding sa pamilya at kaibigan.
ay uko na nga.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment