meron akong dalawang malaking tigyawat sa noo. magkatabi sila.. papansin. ang hati ko tuloy papuntang opisina ung saktong tatabing pero pansinin pa din talaga. nakakahiya.
anyways isusulat ko lang lahat ng nangyari sa kin sa araw na to.
paggising ko kanina nabungaran ko ang kaisa-isa kong natanggap na text galing kay carlo. happy birthday to us,, sabi nung text. naalala ko animosary pala namin ngayon. lagot! nakalimutan ko. pero ok lang. kunyari naubusan na lang ako ng load. matagal tagal na rin kami ng bebeness ko. marami na ring napagdaanan - at sa mga pagkakataong ganito.. iisa lang lagi ang sinasabi namin. na walang magbabago. wala naman e. mga timbang lang namin ang nagbabago. gawa nlang ako ng masenting blog tungkol samin. yung tipong pagkatapos mong basahin e wala ka nang maitatanong.
pagkatapos nun, nagbayad na kami ng upa ng aming unit ke tita elisa,ang aming landlady na nakwento ko nung nakaraan. mabait na sya ngayon. malaki ang nagawa ng dalawang gabi nyang pagmumuni at siguro na rin sa dalawang araw at gabing naaalala namin sya. sayang at hindi ko nakita yung dila nya kung nagkapirapiraso na. sabi nya, sa klase daw ng trabaho namin kinakailangang magvitamins kami para hindi mas malaki ang magagastos pag nagkasakit. hmmmnnnn. bumabawi ang lola. pasensya hindi ko pa nakakalimutan ang punchline nyang "kayo ang number 1 suspect ko".
nakapanood pala ako ng wowowee. ang mga guests sa willie of fortune ay ang mga asawa ng mga sundalo. nakarelate naman ako kasi nga diba sundalo ang kuya ko at habang tumatagal naiintindihan ko ang mga konsepto ng kasundaluhan na tanging sila lamang at ang kanilang mga mahal sa buhay ang nakakaintindi. sometimes, they can't help to involve us in their way of life because we are a part of their life.
sabi nung isa - ganun talaga, siya ang pinili kong makasama habang buhay kaya mahirap man na sa tuwing lalabas sya ng pintuan namin ay hindi ko alam kung kelan sya babalik, nananalig nlang ako sa Diyos na sana ilayo sya palagi sa kapahamakan. marami na naman akong gustong sabihin tungkol dito pero ihihiwalay ko na lang ulit. blog tungkol sa mga sundalong nakahalubilo ko.
di kaninang umaga papasok na ako sa opisina - wala na pala kaming loaf bread. ang nasa food keeper ay mga crackers lang at noodles. ayaw ko nang magluto kaya ung crackers nlang ang kinain ko at nagtimpla ng 3-in-1 kopiko.
habang hinahalo ko yung kape nakita ko yung tray ng itlog. naalala ko yung sinabi ng rummate ko na pwede daw magprito ng itlog sa non-stick frypan na walang mantika. hehe, at alam nyo na ang sumunod. ok nga ang pagkaluto. walang sebo. yun nga lang me nakalimutan ako. hindi ko nalagyan ng asin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment