Friday, June 17, 2016

UP MBA Comprehensive Examination

ang post na ito ay para sa mga magtatype ng UP MBA Comprehensive Examination sa search engine.

Ang UP MBA Comprehensive examination ay isang pangkalahatang pagsusuri na kinukuha bago ang isang kandidato sa pagiging Master ay grumadweyt. Ang isa pang kailangang makamit bago mapabilang sa listahan ng mga magsisipagtapos ay ang GWA na 2.0. 

Bago ko ikwento ang aking paglalakbay para sa labang ito, heto muna ang mga kailangang tandaan. Inuna ko ito dahil naniniwala ako na para ka makarating sa iyong paroroonan ay alam mo muna kung saan ito. 

Hindi ko alam kung pwede kong idisclose ang mechanics kaya magpiplay safe ako. Irerelease naman ang mechanics pagtuntong nyo ng third year third sem dahil hindi kayo tatantanan ng mga reminders na mag-aral, mag-aral at mag-aral para lalo kayong mapressure na mag-aral ulit. Na hindi nyo naman iintindihin dahil may higit isang buwan pa kayo para magbasa pero mauubos at mauubos ang araw hanggang ilang tambling na lang at magsisisi kayong sana inumpisahan nyo nang magbasa noon pa lang.

Makakatanggap kayo ng biyaya galing sa shared drive at mga groups sa social media sa pamamagitan ng zipped files. May lakip itong lumang compre exams at reviewers. Pag-isipang mabuti ang strategy para sa mga ito. Kung hindi maintindihan ang reviewers, malamang ay dahil hindi ikaw ang gumawa nito at may sariling estilo ang may-ari. Huwag pag-ubusan ng oras, magmove-on kaagad.

Mabalik tayo sa paroroonan ninyo. Pagkatanggap ng mechanics, gawin itong guide para planuhin ang pagbabalik-aral na gagawin. Dahil lima ang subject - Strama, Finance, Control, Marketing at Operations Management, i-assess ang sarili kung anong subject ang pinakaconfident kayo (mag-uumpisa na ako sa mga tips kung paano ako nag-aral kaya magsishift na ako sa first person). Sa akin dahil Finance person ako, nag-brush up ako sa Finance at Control kasunod ang Ops Man then Strama at hinuli ko ang Marketing. Yun ang inuna ko para ibuild-up ang confidence level ko. Unti-unti lang para hindi mabigla. Ito ang isa sa pinakacrucial na part dahil dito ako bumuo ng mindset na "I can, I will'.

Ang sunod na gawin ay maghanap ng study group. Optimal na bilang ay apat. Kung higit pa ay pagsasayang ng oras sa kwentuhan, matagal na usapan kung saan/ano ang kakainin at iba pang distraksyon ang gagawin. Mas nakakapressure kapag may dalawang magdidiskusyon na hindi mo pa nababasa. Kapag apat lang kayo o tatlo, mas madaling magkasundo sa schedule, ano ang irereview at magbigayan ng toka. Malaking tulong din ito para sa sanity mo. Ibalik din ng buo ang suporta, wag madamot. 

Bago nyo ako masabihang walang kwenta, heto na, isa-isahin natin:

Finance - may mga usong topic per year. Gamitin ang mga lumang compre exams at paulit-ulit na sagutan. Makakakita ng direksyon. Sundan ang liwanag. Magpraktis ng magpraktis ng financial analysis, pro-forma statement, cash flow at variances. Malakas ang loob kong huwag magreview ng bongga sa FCFF/FCFE, sapat na alam ang concept at basics neto. Timbangin ang pros and cons kung susundan ako at pag-isipang mabuti kung alin ang dapat iignore at aralin base sa trend. Aralin din ang basics ng CAPM, cost of equity at debt, vaultfiles na concepts para sa multiple choice at magbaon ng maraming common sense. Kapag sobra sa oras, aralin na lahat.

Alam ng examiner na marami na kayong natutunan, gusto nya ngayong makita ang composure ninyo at kung gaano kalalim ang intindi sa mga konsepto. Ang mga madugong rules sa 280.2 ay pwedeng pahapyawan at wag hayaang sirain ang diskarte ninyo. Manalig sa liwanag.

Control - nagamit ko dito ang trending analysis ko ng mga nagdaang compre. Ilang taong MCS sya kung kaya tinutukan ko ang performance measurement, EVA, ROA at RI. Dahil Finance person ako, madali kaming nagkaintindihan ni Transfer Pricing, Budgeting, at Variance analysis ni Management Accounting. Mabuti na lamang na nagbrush up ako sa MA dahil nabago ang trend this year. Malaking tipak ng pagsusulit ang sumentro sa MA. Moral lesson - kapag magfocus sa mga nabanggit na topic, magkakaroon ng control sa sitwasyon. Maging mapanuri sa trend.

Magbrush up din sa terms and definitions. Maaaring suwerte sa inyo ang petsa ng pagsusulit at mamigay sila ng 30 items na matching type. Alamin kung ano ang prime cost, conversion cost, product cost, mga center na hindi call center, iba pang klase ng cost etc. Hanapin ang hand out na binigay ni Gavin.

Ipupush ko na tong mala Zenaida Zeva mode ko.

Operations Management - Magfocus sa TQM.

Imemorize ang "PProQuLoLa HuS Invty? SM."

Yan ang 10 OM Dimensions:
  • Product
  • Process
  • Quality
  • Location
  • Layout
  • Human Resource
  • Scheduling
  • Inventory
  • Scheduling
  • Maintenance
Sa mahabang panahon, ang Ops Man exam ay case analysis at kapag gagawin mong framework ang mga dimensions na ito ay malayo ang mararating mo. Huwag ipilit ang mga dimensyon na hindi applicable. Pwedeng hindi aralin ang BEP at iba pang formula. Manalig sa liwanag.

Strategic Management - Maaaring magkaiba tayo ng diskarte sa subject na ito ng dahil sa ilang mga factors. Kung noong 291.1 ay binasa mo lahat ng handouts at mayroon kang notes, mainam. Ngunit kung pareho tayo, iminumungkahi kong diskartehan mo kung alin sa napakadaming handouts ang babasahin mo. Timbanging mabuti kung alin ang pinakamahahalagang article. Huwag lalampasan ang kay Porter, Schein, Christensen at ng ating mga gurong si E, R & G.

Hangga't maaari, iwanan ang article na may isang sentence na summary lamang. Hindi makakatulong kung napakahaba pa din ng summary. Hindi na iyon matatawag na summary. Magkaroon ng notebook na summary lang ang laman at pwedeng buklatin sa sasakyan, sa CR, sa workstation, habang kumakain.

Huwag din subukang basahin sa iisang upuan. Hindi makakatulong sa brain cells mo.

Sa oras ng pagsusulit, hindi masamang huwag gamitin ang mga salitang eksaktong nabasa. Wag masyadong bookish. Maaring may sagot kang maiisip na wala sa handouts - isagot mo. Nasa pagrarason kung tatanggapin ng examiner ang sense ng sinulat mo. Huwag hayaang blanko hangga't maaari. Helloowww wag masyadong iunderestimate ang sarili para hindi makaisip ng kahit isang key point to build on sa kung ano mang topic yan. Konting push na lang, pangatawanan at career-in mo na.

Marketing. Aralin ang mga cases sa BA 230 at buuin sa isip kung paano sagutin ng maiksi ang mga ito. Magfocus sa 4Ps. Matutong gumawa ng isang sentence na problema, 1 sentence na overall strategy at sumahin sa isang paragraph ang kada 4Ps. Palaging case ang exam dito sa napakahabang panahon, ihanda ang kamay para sa kalyo. Iminumungkahi kong gumamit ng sign pen. Hindi sa madali ang subject ngunit lagi mong nagagamit ang mga konsepto sa napakadaming case na nagawa mo na sa tatlong taon kung kayat hindi masamang gamitin sa ibang subject ang inerhiyang ilalaan para sa puspusang pag-aaral sana dito. Tandaan, nakakainam ang dumaan sa shortcut kung alam mo namang sa dulo nun ay igigiya ka sa patutunguhan subalit huwag din namang masyadong shumortcut ng sagot at baka igiya ka sa second chances.

Pangkalahatang tips:

  • sa araw ng pagsusulit kapag maagang nasa exam room, huwag makinig sa nirereview ng iba. Kapag wala sa nireview mo, ignore. Malamang sa malamang hindi mo rin matatandaan at mararattle ka lang. Panatilihin ang composure.
  • pagkatanggap ng test paper, wag sasagot agad. buklatin at i-scan ang mga tanong. Magmental note kung alin ang alam, medyo alam, at hindi talaga alam. ilista ang points to discuss na maiisip habang iniscan para may mababalikan kapag nagkalimutan. Unahin ang alam. May mga pagkakataong mauuna ang isang tanong na kabilang sa hindi mo alam kung kayat makakatulong sa sanity at composure ang pag-scan muna.
  • Huwag matakot an gamitin ang mga concepts ng Control sa Strama, ng Strama sa Ops at ng Finance sa Control. 
Pagkatapos ng pagsusulit, sa loob ng dalawang linggo magiging kapanapanabik ang lahat ng post ni Ate ida sa FB dahil isa sa mga dun ang makakapagpabalisa sa iyo ng buong araw o linggo bago mo makita ang exam code mo kagaya nito:


Maging sensitibo para sa mga hindi napabilang at ihiling sa mga buwan at bituin na sa pangalawa nilang pagsubok ay malampasan ito at sabay sabay kayong sasablay. Harinawa.

Lucky color: Comprehensive Maroon
Lucky number: >60%
Lucky flower: UP Sunflower









Tuesday, June 7, 2016

Hindi Ako Aalis!

Kakarating ko lang galing work at naabutan ko si AJ at Gabby na naglalambingan. Extra lambing si Gabby sa Kuya AJ nya at pinansin ko iyon. 

me: Hindi kayo away ngayon ni Kuya AJ?

Gabby: Hindi po.

Ate Sha: Bati sila ngayon kasi malapit na umuwi si Kuya AJ.

Si AJ ay ang bunsong anak ni Ate Sha na nagbakasyon muna dito.

Ate Sha: Bebun, uwi na si Kuya AJ sa La Union. Sama ka?

Gabby: Opo

Me: San ka sama?

Gabby: sa Bagulin

Gabby: Ay hindi na pala.

Me: O bakit hindi ka sama? 

Gabby: Hindi ako sasama. Dito lang ako. Di kita iwan.

It's the most heartwarming thing! And Gabby was just being candid. 





Monday, April 18, 2016

Compreto

I was reviewing for Control on how incentives optimize performance when I felt the urge to come and write here. I know gauging from my essay type of exams in most of my subjects that my prowess if one can call it in essay writing have long become rusty. I did not know when it actually start but I am at the height where the right word is in my mind but cannot seem to find its way to my fingers or mouth. It is frustrating especially when there is a limited space to put my answer. Adding to it the frustration of not being able to make my handwriting small to at least save some more for my blabbing.

Otherwise, the review process is going the right track, the first day on my own characterized by proper naps and snacks in between. There's the occasional worrying, of self-demotivation but knowing that all others depend on this exam motivates me more to continue. Plus the fact that I ousted Gabby in the house, of wanting to make her sacrifice count all the more gives me reason to inch it forward.

So coming here sort of tries to regain some of m focus, of wanting to recount things why I should pass the test, of how my own incentives should nudge me to optimize my performance.

Monday, April 4, 2016

A UP Kind of Sunday

Last Sunday, I, Frances, Auee, and Cla reviewed all day long at the UP Lagoon. It was our kickoff review for the dreaded Compre exams in our MBA program. So we were studying Ops and Mktg for the weekend and are having some luck concentrating.
 
 I brought along Gabby and Shasha who have been cooperative in letting us come to terms with our elements.


Nung tumingin ako ulit sa kung saan sila naglatag, nakita ko na may guy na pinipicture-an si Gabby. Nagpaalam naman si Jun who I came to know was just on a hobby shooting spree for the day - thus his FB album title - a UP Kind of Sunday. As  usual si Boodie nung pinapagpose na namin e ayaw na naman nya. 





------------------------------------

Funny because that week I had a rough time enrolling owing to enlisting the wrong BA 237. It was understandable because it was easy to get confused on two subjects sharing the same course number, right? So I had to spend 2-3 days in limbo to make sure I get to graduate with my batch. Thank heavens Ate Ida is very accommodating and understands my plight. Her powers allowed me to enroll on a full class just so I can take the subject.

It's been a very loooong journey - not quite as long by college standards na nag-five years ako sa BS Accountancy but 3 years in MBA-part time is another story if you juggle it with work and family. But then parte yan ng kakaibang fulfillment once mgpapicture na ako with the sunflowers. The jitters although not the same as the board exams still is strong because there is that possibility of not being able to graduate if I dare flunk the comprehensive exams. Although I wouldn't let it, the sleepless nights are forthcoming.

At the end of it all, just like every other uphill climb in my life I will get to see the top and everything will be as easy once again. Everything will take a brighter hue, even those grass we used to lie on in the lagoon.








Wednesday, February 17, 2016

Mishka Mushka Mickey Mouse

Maaga ako nagising kaninang madaling araw para gumawa ng case analysis sa GenMa due tonight. Pagpunta ko sa kwarto, nakasunod na pala si Gabby na pupungas pungas. Mga bandang alas tres yun kaya sabi ko sa kanya matulog muna sya at hindi pa gising si Rooster. As usual, hinintay na naman nya akong makaalis papuntang work bago sya natulog ulit.

Gamit ko ang laptop, sa kanya naman ang cellphone. Wi-fi please, sabi nya. Buksan ko  daw ang wi-fi connection ng cellphone. Yehey, youtube ako sabi nya nung pwede na. Malapit na akong matapos sa ginagawa ko pero nagiging makulit na sya. Kamutin ko daw yung kamay kasi makati. Punasan ko daw yung sipon nya. Sumusunod naman ako nung una pero nung naiistorbo na ako, nagalit na ako. mabilis lang akong mairita pag ganung may ginagawa ako at kinukulit. Kung minsan naiisip ko na naglalambing lang sya pero may mga pagkakataong nakakalimutan ko yun at naiisip ko lang na hindi ko muna gustong maistorbo.

"Ayaw ko galit si mommy" sabi nya, habang nandun sya sa sulok ng kama with her eyes about to shed a tear. Hindi galit si mommy, gusto ko kasi hindi mo muna ako kukulitin para matapos ko agad then play na tau ha? sabi ko. Sumunod naman sya at nanood na ulit ng mickey mouse clubhouse sa youtube.

Sa wakas natapos na ako. Saktong lapit nya at nagtanong - Si Mickey ito, si Minnie, who's this? Si Bruno, si Donald, si Pluto. Sino to? Sabay turo sa katabi ni Donald Duck. Hindi ko alam anak sabi ko sa kanya. Nacurious din ako kung anong pangalan ng pato na un na may pink na ribbon kaya napagoogle ako. Si Daisy pala.

Gusto ko kapag magtatanong sa akin si Gabby masasagot ko. Kahit mga gantong bagay lang. Kasi dito mag-uumpisa ang mga tanong na magiging basehan ng kamalayan nya. Gusto kong ako ang makakita kung paano magbago ang mga klase ng mga tanong nya. Gusto kong gayahin si daddy na kahit anong klaseng tanong ko ay may nakahanda syang sagot. Hindi pwedeng hindi nya masagot at kung kailangan nyang utangin ng ilang oras, isang araw, gagawin nya at kapag meron na syang sagot ibibigay nya sa akin.

Sa pag-init naman ng ulo ko, hindi ko alam kung dahil hindi naman ako naging full-time nanay "well, in the strictest sense of it" kaya hindi ko pa namamaster ang art-of-patience for toddlers. Sana lagi kong maisip na gusto lang nyang lagi nya akong katabi pag nasa bahay ako at magbond kami.

Salamat na lamang at habang nagtatrial-and-error ako sa mga kapahinahunan at kahabaan ng pasensya ay musmos pa sya at hindi pa nya maaalala na may pagkukulang din ako sa pamimigay ng atensyon sa kanya. Mabuti na lamang at mabilis magpatawad ang mga bata at hindi naiipon sa kamalayan nila ang mga maling ehemplong minsan hindi natin napapansin ay naipapakita natin sa kanila.

Mabuti na lang.

Thursday, January 14, 2016

Shutanginamels

Sa tooooot class ko kanina habang pinagaaralan namin ang mga rekititos ng kontrata ng mga imprastraktura kagaya ng tren, tulay, at kalsada, napasambit xa ng katagang STUPID. Pangalawang beses ko na iyong narinig mula sa kanya kaya sige walang kakaiba. Then I heard him say GAGO. Ok, he's in the mood tonight I told myself. Then he said TOPAK, and another GAGO. Out of our sessions  that session was by far the most animated. I got thinking kung yun ba ay dahil sa pagloloosen up nya by expressing himself more "un"reservedly?

I am on my last year in my masters at sa narinig ko kanina, I took a mental note to come write here on my take about these words being spoken inside the classroom. I would say these incidents have been very rare. Back in the undergrad I believe I only have one recount of the f*ck you sign being demonstrated by my Ethics instructor habang itinuturo sa amin kung bakit sa pagiging isang sosyal na nilalang (not the sosi connotation but the relational version of it) nagkakaroon ng negative meaning ang mga bagay-bagay na walang katuturan sa isang baliw. 

Noong nakaraang sem nang una kong marinig sa loob ng classroom ang candid na p*tang ina sa isa kong propesor habang nasa kasagsagan sya ng kanyang lecture ganun din sa isa pang propesor na sumambit ng goddamn, bullshit, at lintik. Nakakagulat ngunit para sa akin iyon ay mga salitang pang-emphasize nila sa tindi ng kanilang posisyon sa isang ideya. Hindi ibig sabihin na gumagamit sila nun just for the sake of defying the norms but because they understand the right usage of these. I rarely catch myself swearing in public but come to think of it, it's not more hypocritical to not say it but want to rather than just say it because you are bold enough. 

Marahil dahil mature at discerning na ako sa mga bagay bagay na hindi ko sila ipinako sa krus pagkarinig ko ng mga salitang iyon. Mas sa reyalisasyon kong ito na hindi sa pauso ng isang sosyedad makikita ang lalim ng pag-intindi  mo sa mga bagay bagay kundi may mga pagkakataong ibibigay sa yo na ikaw mismo ang magdedesisyon kung ang mga nakamulatan mong mga bagay ay naaayon sa tingin mo ay mga paniniwalang magpapahintulot sa iyong matulog ng mapayapa sa gabi. 

Kanina habang pauwi ako, pakyu sabi ko sa isip ko. Pakyu, sabi ko ng mahina. Pakyu sabi ko ng mas malakas. Pagkarating ko ng bahay, nahiga ako at nakatulog na ng mahimbing.  

Wednesday, January 6, 2016

Flashcard

I just finished doing the week 1 and week 2 of Doch's Sight Words for Gabby. 

I realized over the long Christmas break how much of my time I robbed Gabby of. It was a Christmas break that I enjoyed because I get to make her milk and bathe and fight and cuddle with her. 

It was a different thing coming home to Gabby and be a  mother for a while until I needed to be out again and leave her with Manang Shasha. Ate took her full break that's why that vacation I have her from the time I open my eyes until I sleep. It was exhausting because I am not used to it. 

I get to see how grown up she has become, I get to lose my patience and pick up some of it afterwards. I get to brush her teeth and hide candies so she can't eat them and lie that Lolo took them away. I get to tell her that Mon-mon will eat the cavities in her teeth if she eats more candy.

I get to see how well she can dance the Nae-nae, I find her cute singing the Dessert song. I even Googled the lyrics so I can teach her the rest of it. I get to see how well she can sing Bahay Kubo in the videoke even if she actually just memorized the whole song rather than read it from the tv. I get to see how behaved and ill-behaved she could get at times. 

At the back of my head, this is Christmas. This is my gift from God. That from all the work and studying which I sincerely do for Gabby's future also, I was given that break to reconcile with my own reasons of doing things. 

Just like the flashcards I made for her, I will always want to be reminded that even when I got them in my head,  actually doing one once in a while makes me learn more than becoming only an expectator.