i was on my way to cubao this morning to buy groceries. while onboard the jeepney there's this kid distributing his stinky envelopes with some scribbles asking for "konting barya pang kain lang po ate kuya". on instinct, because i just took my bath got the envelope on the tip of two fingers and immediately gave it back to the kid. ang hirap idescribe sa english. nagpunas muna sya ng sipon bago nya kinuha sa kamay ko, at nasagi pa nya. i looked at him disgustingly and turned my back away.
ang yabang ko ano? pero totoong yun ang ginawa ko. bakit nga kaya ang instinct natin e mandiri sa kanila? at totoong mapanghi at hindi maintindihan ang amoy nila. pero alam mo, ang nakakakonsensya hindi na nga ako nakatulong nandidiri pa ako. at sinisi ko sa isip ko ang mga nanay at tatay nila, ang mga lola at lolo nila, ang mga kapitbahay nila, ang gobyerno, hanggang wala na akong masisi. sino ang may kasalanan na nasa harap ko kanina yung bata at napatunayan ko sa sarili ko na isa rin pala akong mapang-alipusta? sino ang may kasalanang nasa harap ko kanina ang bata at pinandirihan ko?
mga tanong na ihahanapan ko ng sagot na magiging pabor sa kakulangan ko.
nuong akinse ng abril, naifile ang income tax return ko. kanina sa grocery nagbayad ako ng VAT. anong ginagawa ko at nakokonsensya ako sa bata? hay naku. wala na akong sinabi.
at sa daan pauwi dahil sa kabagalan ng trapiko sa hilerang iyon ng 15th avenue napatitig ako sa isang poste at nairita na naman ako. yung isang pulitiko kaganda ng posing sa poster. parang artista lang. aba nakikita ko ang ginawang pagdiamond peel sa kanya with seaweed mask, ang pageyelash extension habang ang mga paa at kamay ay minamassage at minamanicure pedicure, ang pagrebond sa buhok nyang nangungulay tanso na, ang pagthreading sa perpektong kilay nya - at nakita ko yung bata. nangiwi na lang ako at nandiri - hindi na sa kapanghian nya - kundi sa katotohanang maulanan man sya at masabunan at mabihisan mananatili syang busabos at sa katagalan mangangamoy ulit at mandidiri tayo ulit at ang mundo ay iinog lang nang parang walang nangyari.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment