Monday, April 19, 2010

dibidi clear copy

linggo ng gabi habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng traysikel, nahigingan ko ang isang namumuong awayan. isang hindi pangakaraniwang eksenang napapanood ng isang probinsyanang magdadalawang taon pa lang sa maynila. first time kong makapanood ng true to life komprontasyon ng isang legal na asawa yata o girlfriend at ng isang kabit. sabi nung matandang babaeng nagtitinda ng mga kunyari inuusyoso kong dvd sa bangketa para may rason akong manood ng eksena, lagi daw kasing nakabackride yong girlet dun sa erick na traysikel driver pala dun sa KNL TODA. oh em gee at nang sundan ko ng tingin ang tinuturong erick por dios! wala na akong sinabi. nangingiti na lang ako habang nagugunita ang pagsasabunutan ng dalawang nilalang na pinaglaruan ng iisang pag-ibig. chos. sa kamay ko hawak ko na ang dvd'ng isa ring saksi ng aking pangangaliwa (hoy! iba iniisip mo, pamimirata!)/ ganun kaya un, parehong kopya pero mas mura ang pirata? at para lang may masabi, kung ako si erick pipiliin ko na yung pangalawa. mas sariwa, pero higit sa lahat sabi nga ni bob ong, kapag papipiliin ka, piliin mo yung pangalawa. dahil walang pangalawa kung mahal mo ung una. yung pangalawa, mas mura nga. hay

No comments:

Post a Comment