Tuesday, August 22, 2017

Note to Self

At work, either you irritate somebody else or somebody rubs you wrongly.

The way you lead is a function of your values as a person. - RR


Monday, August 21, 2017

I am Ready

I finally felt I am ready to hand over this sheet of paper from a week-long weighing.

Of course there's going to be what ifs but we've come to a decision made not in haste and it just felt right.

I am ready.

Thursday, August 17, 2017

Restless

You know you outta do something if everything seem to not fall into place.

I felt contented for a while, not wanting to destroy the calm of knowing how things will end even when I have yet to begin. 

Of having to know what could go wrong, of knowing more than not knowing.

Then I woke up one day suddenly feeling strange. 

Of feeling the challenge to test my limits... again. 

Of feeling unsure.

I think it is in these moments that we either respond or never bother to.

And yes I will respond regardless of the regrets it's going to give me after.

Regardless of the good I'm going to get after.

I am restless.


Wednesday, August 9, 2017

Mama Memoirs Part 2 (Naguilian District Hospital)

Si Mama M lalagnatin kapag hindi makaluwas sa loob ng isang linggo. Ako naman, laging nilalagnat kaya niluluwas halos linggo-linggo.

Kaya naging boarder ako sa Room4 na isa sa mga private rooms ng Naguilian District Hospital. Usual na sa akin ang matusukan ng dextrose, lagyan ng board ang kamay, at tusukan ng supository sa puwet.

Isang midwife si mama sa Bagulin at malapit na kaibigan nya si Doctor Hector Benas. He is Dr Benas to everybody but to me he is the doctor who would come and say you may now go home, sign my release papers, and chat with mama yet again na parang antagaaaal tagal nilang hindi nagkita at hindi nauubusan ng pinagkukuwentuhan whichever order they prefer. I would fondly remember him as the man in white who's always had the stethoscope hanging by his neck. He had that distinct voice na makikilala mo agad na sya yun kahit hindi pa sya nakakarating sa room mo. Bigla ko syang namiss at gusto ko syang mameet ulit kung mareremember pa kaya nya ako.

Madami akong magaganda at malulungkot na alaala sa NDH. Noon, bago ka makapasok sa driveway ng hospital, makikita mo dun ung taong grasa na si Tony. Hindi ko na nga alam kung buhay pa un ngaun pero naging parte sya ng alaala ko kasi palagi akong takot at may kaba tuwing nasa malapit sya. Tipong baka bigla ka na lang habulin o kaya batuhin ng graba.

Excited din ako palagi kapag oras na ng kainan na lagi lang ding nauuwi sa walang ganang pagkain kasi nga hindi umuubra ang taste buds. Nakakatuwang panoorin ang pagdating ng mga stainless trays na may mga food partitions para sa kanin, dalawang ulam, at panghimagas.

May isang pagkakataon din na dumalaw si Auntie T, ang tita kong fairy godmother na syang forever kong pinagkakautangan ng magandang buhay ko ngayon. Naaalala ko talaga yung dala nyang Cream-O chocolate na nasa octagon box. Ganto ang itsura nya pero kulay blue. Gandang ganda ako kasi ang ganda ng bukasan. Pag isasara mo para syang flower. Hindi madaling makakain ng chocolate dati at lalong hindi ka mabibigyan ng basta basta kung wala din lang okasyon (kiber kung ang okasyon ay ang pagkakaconfine ko) o kung wala kang kamag-anak na balikbayan. Napakaspecial ng feeling ko noon. Feeling ko gagaling na ako agad.



Maliban sa lagi akong naoospital nung bata ako, fast forward to third year high-school, dito din ako naadmit nang madengue ako. Medyo vague ang memory pero naaalala ko na noong day na pauwi na kami ni Anti Pacing, ang aking dakilang tagabantay, ay kinailangang tanggalin ang aking dextrose. Sabi diinan ko daw yung pinagturukan. Nanghihina pa rin ata ako siguro noon at naibaba ko ang kamay ko kaya biglang sumirit ang dugo. Eeew. 

Dito ko din nafeel ang isang napakagandang uri ng pagmamahal ni Daddy R. Read story here.

At ang dalawa sa pinakaspecial na memory ko dito sa NDH ay noong ipinanganak ako ni Mama dito sa mundong ibabaw at ang paglisan din ni Mama para makapagpahinga na sa paraiso ni Papa God.

February 25, 1997. Nasa morning class ako bilang Grade 4-Dahlia transferee sa Naguilian Elementary School. Inilipat ako dito galing sa Bagulin Central School dahil sa biglang lumalang kondisyon ni Mama M na pitong taon nang nakikibaka sa sakit na cancer. Nakita ko si Uncle Roman na biglang dumungaw sa pinto at nag-excuse me kay Mam Tamzon. Pagkatapos nilang mag-usap tinawag na ako ni Mam at sinabing pwede na akong sumama kay uncle sa araw na iyon. 

It was a little hazy remembering that day right now because it hurts a lot. I was 10 years old and only understood cancer as the sickness that took away mama's breast. I did not comprehend that it also took away a lot of my growing up years without her. 

Pagdating namin sa Room J ata yun, ung pinakadulong room sa south wing nakita ko si mama sa hospital bed na pinupunasan ang lips ng cotton na ni-dip sa water. May lemon pa akong naaalala maybe they used it too to moisten her lips. Hirap na pala syang huminga noon even with her oxygen tank on kaya sa mouth na sya humihinga. Daddy was there, Manong Ryan, Uncle Roman, and Tuddingan peeps. Manong Ev was en route from DMMMSU because he was first year high school then. 

I think I was told to go hug her and I didn't even know if I did. I hope I did. And it hurts a lot now placing myself in that moment and knowing that that is the last hug we're ever going to share. All other movements in the room became hazy again then I remember a priest coming in reading his small book of prayer of anointment to mama. Now I can see how she would gasp for air as she listens, her eyes blankly staring but with tears falling once in a while. I will never know what those tears were for but hoped were of peace and forgiveness. She then went and I had to be told that mama had already gone. I did not know how to react amidst the crying, I didn't even shed a tear right away - something I would do for so many years after.

Then time passed by. I believe that I can write as vividly and articulately now -

maybe because time healed all the deepest wounds, even those that went right through the heart; 

maybe because I wanted to walk back in time if only to be reminded of how beautiful every moment spent with loved ones is, even the trivial ones;

maybe because I need to let them out so I can fill it with new ones.

It took me twenty years of crying. I did a post entitled Mama Merced and another entitled Daddy Rudy back in 2009 and posted in Friendster but lost them when the site closed. I spent two days writing each not because I did not have anything to write but because I cry each time I try to finish. I even got a feedback saying he cried reading them - that's how it hurt before. Hits right through each time. I still got teary eyed yesterday and had to continue now but not as close to what I went through that time.

I am older now, much more in good terms with letting go and death. While there are times we go through life unscathed - of which we'll always be thankful of - I'll always look differently at NDH as that place where death becomes much more meaningful by the kind of life it was lived in.






Mama Memoirs Part 1 (La Union Provincial Capitol Memories)

Recently nag-ikot kami sa La Union with my teammates at lulusot kami sa Provincial Capitol papuntang diversion road. Habang paakyat kami sa pazigzag na daan bumalik sa akin ang mga panahong isinasama ako ni Mama M dun para sa kung anumang official business meron sya sa Provincial Health Office.

Mag-uumpisa ang araw sa isang oras na byahe mula sa Bagulin papuntang San Fernando. Makakarami na ako nun ng pabili pero isang masamang tingin o kung minamalas malas ay isang pinong kurot ang makakapagpatigil sa aking impulsive buying sorta at makakapagpahaba naman ng nguso ko. Sa maganda-gandang pagkakataon isa akong 5-6 year old na cute na bata (sabi nila a, wala ako kinalaman jan) na nakakapit lang sa palda ni mama.

Sa may tapat ng Cafe Esperanza ang pila dati ng mga kotseng papunta ng Capitol. Taxi daw yun sabi ni mama at binabayaran ng bente. Pinakamarami na yung tatlo at kung ubos lahat sila pagdating namin, mag-aantay kami kasi ibig sabihin nun may hinatid sya sa Capitol.

Sa mga panahong bihira akong makasakay ng kotse, ang trip to Capitol ang pagkakataon kong makasakay din sa pangarap. Marahil dahil dito kaya hanggang ngayon ay malinaw ko pa ding narereplay sa isip ang mga ito.

source: Google Maps

Pagdating naman sa capitol, manghang mangha ako sa facade at sa malaking pintong papasukin. Sa batang isip ko, totoo nga yata ang giants kung may ganyan kalalaking pinto. 

Tutungo na kami dun sa bandang kaliwa kasi nandun ang office kung saan magrereport si mama bilang isang dakilang midwife ng Bagulin. Dadaan kami sa pasilyong kulay maroon ang tiles at ewan ko ba kung bakit lagi kong gustong magwiwi sa CR nilang may butas ang door sa ilalim. Pamilyar sa akin ang mga katrabaho ni mama at kilala din nila ako. Kung hindi si R, ako ung anak ni M. 

Hindi pa talamak ang cellphone at ipad noon kung kaya kapag magrereport na si Mama duon ako sa pasilyo magpapakalat-kalat para bilangin kung ilang bitak na tiles meron duon o kung ilang hakbang ko ang dulo sa dulo ng walkway. Kapag tinamad o napagod na ay magpapakabehave para makarami ng pabili ng meryenda duon sa may canteen na may green screendoor sa likod. 


 Kapag medyo maagang matapos at uuwi na kami, lalakad na lang kami sa shortcut kung saan masisilip mo ang tuktok ng Pagoda View Deck.  


source: Google Maps



Mabilis lang ang lakad pababa, malaking kaibahan kung maglalakad at hindi sasakay ng kotseng naka-aircon paakyat. 

Ilang taon na ang nakararaan at wala na rin ang paldang kinakapitan ko pero ang alaala ng Capitol ay isa sa mga bagay na babalik balikan ko tuwing mamimiss ko si Mama. 



Tuesday, August 8, 2017

How To Be Yours

There are movies we don't expect to turn out good and become reflective of a day or a portion of our life. And this is one of them. 

Sa unang attempt ko, naumpisahan ko lang. Pangalawang attempt, ayun na. Maganda sya, simple. Kahit nga papakinggan mo lang e. On second thought, maganda ding nakikita mo yung expression nila Gerald at Bea. Hindi gaanong maligalig ang cinematography at nagustuhan ko yun dahil nakapagfocus ako sa kwento. Bago ako maging spoiler at wannabe movie critic kahit isang taon na ang nakaraan nung marelease ito, hehe, i will tell why I liked this movie.

Gerald's character(Nino) knew how to learn from what not-so-good things he did in his past relationship kaya inayos nya yon nung naging sila na ni Bea (Anj). Anj was all too dependent, on the other side, mula sa mga insecurities nya na hindi na nya namalayan na sya na lang pala lagi ang nag-ti-take sa kanilang dalawa. 

Dumating sa point na sa kanya na umikot ang relasyon at hindi na nya napagtuunan ng pansin ang mga pangangailangan din ni Nino. Kaya ang hugot ng how to be yours e yung tipong pano mo naman ako aangkinin, pano mo naman ako isasama sa mga pangarap mo.

Ay basta, kasi kaya ako natuwa sa movie kasi totoo yun. Dun lang tayo sa context na ganung klase ng lalaki ang pinag-uusapan natin ha? Out muna ang mga walang kwentang never nating magiging dream guy type. 

Medyo ayaw man nating amining mga babae e maraming beses tayong nagiging Anj. Hindi masama, pero maiging tanggapin natin na meron din tayong pagkukulang na i-push ang ating mga boyfriend o asawa na gawin din nila ang best nila. 

Siguro dahil nasanay tayo na simula ligawan stage e pinapamper tayo, binebaby, lahat ng gusto binibigay. Pero sometime sa isang relationship, at dito tayo nagkakatalo how early or how late natin marerealize na teka, kelangan ko din palang tanungin sya kung kumain na sya, kung kamusta ang work nya, kung ano ang mga balak nya sa buhay. 

For sure, men like Nino are for keeps. My husband is. And I was Anj once. Ang pinagkaiba lang nila, sinabi sa akin ni C na hindi nya naramdaman ang suporta ko. Napag-usapan namin, nakita ko ang mali ko, naging mas sensitibo ako sa mga bagay na kapag masyado tayong nakafocus sa sarili natin ay hindi natin makikita. 

Walang mali sa pagiging dependent dahil gusto din ng mga partner natin na maramdamang kailangan natin sila. Ang kulang lang minsan ay ang pagbibigay naman natin sa kanila ng pagkakataon para maging emotionally dependent sa atin. Mga lalaki kasi yan e, hindi naman lahat magsasabi sa yo na 

"oi, sabihan o tanungin mo din ako ng mga bagay na sa akala mo e makakapagpaboost ng morale ko". 

Wala ding mali na i-pursue natin ang growth natin habang nasa isang relasyon. I believe that this is vital in growing as a couple. Makwento ko lang ano, si C napagradweyt na nyan ako ng dalawang beses. Una nung undergrad, pangalawa nung masteral. Medyo cheesy na nung fifth year college ako ay muntik na nya akong ibigay sa pangarap ko binanatan ko na 

"isa ka sa mga pangarap ko". 

Noong review para sa board naalala ko dumaing ako sa kanya na nabubuang na ako sa stress at pressure, aba mula La Union pinuntahan ako sa Sampaloc para damayan ako. Pagsabak ko sa workforce hindi rin nya ako minadaling magpakasal kami at binigyan ako ng sapat na panahon para sa career. Nung sinabi kong gusto kong magmasters sa kabila ng pagkakaroon na namin noon ng anak pinayagan ako at palaging pinupush kapag hinihila na ako ng frustrations ko. Andami. Mahaba pa ang listahan. Nung sya naman ang magmasters, pagkakataon ko namang bumawi para ipush sya. May mga hindi kami nag-aakmang prinsipyo tungkol sa edukasyon pero duon ko narealize na hindi ito dapat maging hadlang para maipadama na nakasuporta ako lagi sa mga pangarap nya. Tanggap ko ang naging pagkukulang ko kaya ngayon masaya ako na marunong na akong makinig sa mga hindi  masabing salita at maging sensitive sa mga hindi maiparamdam na hinanakit. 

Nung umuwi kami sa La Union, nagkape kami sa may dagat. Mapopromote na naman si C at sabi ko sa kanya 

"excited na ako, feeling ko ako din ung mapopromote". 

Madami syang kwento, yung iba hindi na ako interesado pero dahil alam kong yun ung paraan nya para papasukin ako sa mga pangarap nya nakikinig ako habang humihigop na tumitingin sa kung saan nagtatagpo ang dagat at ang kalawakan. 

Nung humarap ako at tumingin sa mga mata nya, napangiti ako dahil nakita ko ang aking repleksyon doon.