There are movies we don't expect to turn out good and become reflective of a day or a portion of our life. And this is one of them.
Sa unang attempt ko, naumpisahan ko lang. Pangalawang attempt, ayun na. Maganda sya, simple. Kahit nga papakinggan mo lang e. On second thought, maganda ding nakikita mo yung expression nila Gerald at Bea. Hindi gaanong maligalig ang cinematography at nagustuhan ko yun dahil nakapagfocus ako sa kwento. Bago ako maging spoiler at wannabe movie critic kahit isang taon na ang nakaraan nung marelease ito, hehe, i will tell why I liked this movie.
Gerald's character(Nino) knew how to learn from what not-so-good things he did in his past relationship kaya inayos nya yon nung naging sila na ni Bea (Anj). Anj was all too dependent, on the other side, mula sa mga insecurities nya na hindi na nya namalayan na sya na lang pala lagi ang nag-ti-take sa kanilang dalawa.
Dumating sa point na sa kanya na umikot ang relasyon at hindi na nya napagtuunan ng pansin ang mga pangangailangan din ni Nino. Kaya ang hugot ng how to be yours e yung tipong pano mo naman ako aangkinin, pano mo naman ako isasama sa mga pangarap mo.
Ay basta, kasi kaya ako natuwa sa movie kasi totoo yun. Dun lang tayo sa context na ganung klase ng lalaki ang pinag-uusapan natin ha? Out muna ang mga walang kwentang never nating magiging dream guy type.
Medyo ayaw man nating amining mga babae e maraming beses tayong nagiging Anj. Hindi masama, pero maiging tanggapin natin na meron din tayong pagkukulang na i-push ang ating mga boyfriend o asawa na gawin din nila ang best nila.
Siguro dahil nasanay tayo na simula ligawan stage e pinapamper tayo, binebaby, lahat ng gusto binibigay. Pero sometime sa isang relationship, at dito tayo nagkakatalo how early or how late natin marerealize na teka, kelangan ko din palang tanungin sya kung kumain na sya, kung kamusta ang work nya, kung ano ang mga balak nya sa buhay.
For sure, men like Nino are for keeps. My husband is. And I was Anj once. Ang pinagkaiba lang nila, sinabi sa akin ni C na hindi nya naramdaman ang suporta ko. Napag-usapan namin, nakita ko ang mali ko, naging mas sensitibo ako sa mga bagay na kapag masyado tayong nakafocus sa sarili natin ay hindi natin makikita.
Walang mali sa pagiging dependent dahil gusto din ng mga partner natin na maramdamang kailangan natin sila. Ang kulang lang minsan ay ang pagbibigay naman natin sa kanila ng pagkakataon para maging emotionally dependent sa atin. Mga lalaki kasi yan e, hindi naman lahat magsasabi sa yo na
"oi, sabihan o tanungin mo din ako ng mga bagay na sa akala mo e makakapagpaboost ng morale ko".
Wala ding mali na i-pursue natin ang growth natin habang nasa isang relasyon. I believe that this is vital in growing as a couple. Makwento ko lang ano, si C napagradweyt na nyan ako ng dalawang beses. Una nung undergrad, pangalawa nung masteral. Medyo cheesy na nung fifth year college ako ay muntik na nya akong ibigay sa pangarap ko binanatan ko na
"isa ka sa mga pangarap ko".
Noong review para sa board naalala ko dumaing ako sa kanya na nabubuang na ako sa stress at pressure, aba mula La Union pinuntahan ako sa Sampaloc para damayan ako. Pagsabak ko sa workforce hindi rin nya ako minadaling magpakasal kami at binigyan ako ng sapat na panahon para sa career. Nung sinabi kong gusto kong magmasters sa kabila ng pagkakaroon na namin noon ng anak pinayagan ako at palaging pinupush kapag hinihila na ako ng frustrations ko. Andami. Mahaba pa ang listahan. Nung sya naman ang magmasters, pagkakataon ko namang bumawi para ipush sya. May mga hindi kami nag-aakmang prinsipyo tungkol sa edukasyon pero duon ko narealize na hindi ito dapat maging hadlang para maipadama na nakasuporta ako lagi sa mga pangarap nya. Tanggap ko ang naging pagkukulang ko kaya ngayon masaya ako na marunong na akong makinig sa mga hindi masabing salita at maging sensitive sa mga hindi maiparamdam na hinanakit.
Nung umuwi kami sa La Union, nagkape kami sa may dagat. Mapopromote na naman si C at sabi ko sa kanya
"excited na ako, feeling ko ako din ung mapopromote".
Madami syang kwento, yung iba hindi na ako interesado pero dahil alam kong yun ung paraan nya para papasukin ako sa mga pangarap nya nakikinig ako habang humihigop na tumitingin sa kung saan nagtatagpo ang dagat at ang kalawakan.
Nung humarap ako at tumingin sa mga mata nya, napangiti ako dahil nakita ko ang aking repleksyon doon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment